Sumampa na sa 51 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao bunsod ng shearline.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa Northern Mindanao ang karamihan sa mga namatay na umabot sa bilang na 25.
Sinundan ito ng Bicol na nakapagtala ng siyam na nasawi, lima sa Eastern Visayas, tig-apat sa Zamboanga Peninsula at Davao Region, tatlo sa Caraga Region, at isa sa MIMAROPA.
16 naman ang napaulat na sugatan habang 19 ang nawawala.
Mahigit 13,000 pamilya o katumbas ng 50,000 indibidwal naman ang nawalan ng tirahan.
Samantala, nasa P245M ang pinsala sa agrikultura habang P1.13B naman sa imprastruktura.