Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasalukuyang nasa 40 ang death toll.
Gayunman, ipinabatid ng NDRRMC na malaking bilang pa ng casulaties ang bineberepika pa ng Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Samantala, aabot na sa mahigit P3 bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura at sektor ng agrikultura.
Batay sa tala ng NDRRMC, papalo sa mahigit 400 lugar sa bansa ang naapektuhan ng bagyo kung saan 275 ang nananatiling lubog sa baha.
By Ralph Obina