Umakyat na sa walumpu’t walo (88) ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Batay ito sa pinakahuling impormasyon na nakuha ng Philippine National Police (PNP) mula sa kanilang mga regional offices sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region at NCR.
Aabot naman sa animnapu’t apat (64) ang nawawala habang pitumpu (70) ang sugatan.
Mahigit labing dalawang libong (12,000) pamilya naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation center at mahigit isang libong (1,000) lugar ang wala pa ring supply ng kuryente partikular sa Cagayan.
Samantala, nasa 29 na ang bilang ng nahukay na bangkay sa gumuhong minahan sa Itogon Benguet.
Pinakahuli rito ang anim na bangkay na narekober sa ibabang bahagi ng bundok.
Nananatiling subject naman ng search rescue and retrieval operation ang mahigit (30) iba pang nawawala.
—-