Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), karamihan sa mga namatay ay mula sa Albay.
Samantala, sinabi naman ni Guinobatan chief of police, Major Domingo Tapel na bukod sa mga nasawi dahil sa landslide ay may tatlo pang residente ang kasalukuyan pang pinaghahanap o missing.
Matatandaang napuruhan din ng Bagyong Quinta ang Albay noong nakaraang linggo kung saan dalawampu’t dalawa naman ang nasawi.