Umabot na sa mahigit 100 ang patay sa mga unang oras ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Kinumpirma ng Ukrainian Defense Ministry na nasa 40 sundalo ang nalagas sa kanilang hanay, bukod sa mahigit 10 sibilyan na nasawi.
Tinatayang 50 sundalong Russo naman ang napatay habang hindi pa mabatid ang bilang ng nasugatan.
Mula sa iba’t ibang direksyon, inilunsad ng Russia ang pag-atake sa kabisera na Kiev; mga lungsod ng Kharkiv, Mariupol at Odessa, sa pamamagitan ng kanilang ground, naval at air forces.
Pinabagsak naman ng Ukrainian Military ang pito sa mga eroplano at helicopter ng Russia. —sa panulat ni Angelica Doctolero