Aabot na sa halos 15,000 ang namamatay sa mahigit isang linggong sagupaan ng Ukrainian at Russian Armed Forces.
Ayon sa Ukrainian Defense Ministry, pinaka-marami sa nasawi o nasa 11,000 libo ang nalagas sa hanay ng Russia simula nang salakayin nito ang Ukraine noong Pebrero a-24.
Tinatayang 2,000 sibilyan din ang nasawi at halos 1,700 ang nasugatan.
Sa pinaka-bagong datos naman ng United Nations, umakyat na sa mahigit isa’t kalahating milyong katao ang lumikas mula ukraine at tumawid sa mga border ng mga karatig bansa, tulad sa Poland at Romania.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng casualties at refugees sa gitna ng tumitinding bakbakan at bombahan sa ilang pangunahing lungsod sa Ukraine.