Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring banggaan ng isang L-300 van at 10-wheeler truck sa Sta. Cruz , Davao del Sur.
Nakilala ang pinakahuling nasawi na si Ariel Entero Cania , na nagawa pang maisugod sa ospital ngunit kalaunan ay binawian na rin ng buhay.
Batay sa imbestigasyon ng Sta. Cruz PNP, mabilis ang pagpapatakbo sa van ng driver na si Teodoro Oñido Batiocan, kaya bumangga ito sa kasalubong na truck sa pakurbang bahagi ng daan.
Nakatakda namang maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property ang dalawang drayber na sangkot sa aksidente.