Umabot na sa halos 100,000 ang naitalang patay sa bansang Colombia dahil sa COVID-19.
Ayon sa Local Health Ministry, nitong Lunes halos 650 ang kanilang naitala sa loob lamang ng 24 na oras.
Sa mga bansa sa Latin America at Caribbean, pang-apat ang Colombia na nakakapagtala ng pinakamalalang death toll at pang anim naman sa dami ng mga nahahawa ayon sa bilang ng AFP.
Sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala ang nasabing bansa ng 648 deaths na may kabuuang 100,582 ayon sa Local Health Ministry.
Nitong Abril nakita ng mga otoridad sa bansa ang pagbugso ng nasabing virus.