Sumampa na sa mahigit 200 ang nasawi sa flashfloods at landslides sa India at Nepal, bunsod ng malakas na pag-ulan, simula pa noong isang Linggo.
Pinakamarami ang naitala sa mga lalawigan ng Kerala at Uttarkhand sa India, na mahigit 150.
Ayon sa Indian Interior Ministry, nasa paanan ng Himalayan Mountains ang mga nasabing lugar kaya’t pahirapan ang rescue operations.
Matindi ring naapektuhan ang Ilam District sa Nepal kung saan nakapagtala ng halos 80 patay.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa mga naturang lugar habang ibinabala ng mga Meteorological Agencies ng India at Nepal na magpapatuloy ang malakas na pag-ulan. —sa panulat ni Drew Nacino