Umakyat na sa walumpu’t dalawa (82) ang nasawi sa flashfloods at landslides sa Japan bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng typhoon Prapiroon o bagyong Florita, simula noong Huwebes
Tinaya naman sa apatnapu (40) ang nawawala habang nasa anim na milyong katao sa labinsyam (19) na lalawigan ang apektado o stranded at mahigit tatlumpung libo (30,000) na ang nagsilikas bunsod ng kalamidad.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, daan-daang kabahayan din ang nawasak o nalubog sa baha o natabunan ng lupa.
Kabilang sa mga pinaka-matinding hinagupit ang Okayama, Kyota at Hiroshima Prefectures.
—-