Patay ang walo (8) katao habang 5 pa ang nawawala matapos rumagasa ang flashflood sa Utah-Arizona border na tumangay sa mga sasakyan ayon sa Hildale Utah, Fire Department.
Ayon kay Assistant Fire Chief Kevin Barlow karamihan sa mga biktima ay mga nanay at maliliit na mga bata.
Ang flashflood ay sumira sa mga komunidad sa border mula Hildale, Utah hanggang Colorado City sa Arizona.
Karamihan sa mga nakatira sa lugar na binaha ay mga miyembro ng The Fundamentalist Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints (FLDS).
Nagsimula ang flashflood sa malalakas na buhos ng ulan noong Lunes ng gabi sa Canyons Hildale.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Rick Bowmer / AP