Pumalo na sa mahigit 700 ang patay habang nasa 805 ang sugatan sa nangyaring stampede sa Mecca sa Saudi Arabia.
Kaugnay ito sa taunang Hajj ng mga kapatid na Muslim kaalinsabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice.
Sa ulat ng Cable News Network o CNN, nangyari ang stampede habang patungo ng Mira at Jamarat ang mga pilgrims para sa ginagawang stoning of the devil.
Ayon sa Saudi Civil Defense, nagtayo sila ng dalawang medical center sa mina kung saan, may ipinadalang 4,000 emergency workers.
Nangailangan ng 220 ambulansya ang mga rescuers upang dalhin ang mga biktima sa apat na ospital sa nasabing lugar.
Dahil sa dami, kinailangang maglagay ng medical tent sa ilang bakanteng lugar upang doon gamutin ang mga nasugatan.
Ito na ang pinaka-malalang stampede sa kasaysayan ng Hajj mula noong taong 2006 kung saan, nasa 346 ang naitalang patay sa Jamarat.
By Jaymark Dagala