Patay ang 640 katao sa southern at northern India dahil sa matinding init dala ng heat wave na inaasahang magpapatuloy pa ngayong linggo ayon sa mga opisyal doon.
Nakapagtala ng pinakamainit na temperatura sa India ang Allahabad City sa northern state ng Uttar Pradesh na umabot sa 47.7 degrees celsius noong Linggo.
Umabot naman sa 43.5 degrees celsius ang naitalang pinakamainit na temperatura sa capital ng India na New delHi.
Karamihan sa mga 539 na nasawi ay mga construction workers, matatanda at mga walang tahanan sa southern states ng Andhra Pradesh at Telangana.
Mula naman sa Uttar Pradesh, Odisha at West Bengal ang ilan pang nasawi.
By Mariboy Ysibido