Pumalo na sa animnapu’t walo (68) katao ang namatay dahil sa sakit na leptospirosis.
Batay ito sa datos ng Department of Health o DOH mula Enero hanggang noong Hulyo 14 kung saan umabot sa 530 kaso ng leptospirosis sa Metro Manila.
Higit na malaki ang naturang bilang kumpara sa 163 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III na iwasan ang paglusong sa baha o kaya naman ay magsuot ng bota.
Mahalaga rin na maging regular ang pagtatapon ng basura upang walang puntahan ang mga daga.
Pinayuhan pa ang mga residente sa mga bahang lugar na makipag-ugnayan sa mga health centers para sa libreng doxycyclin na gamot sa leptospirosis.
—-