Halos 400 katao na ang nasawi sa malawakang pagbaha bunsod ng mahigit dalawang linggong pag-ulan dulot ng habagat sa Kerala State, India.
Tinaya naman ng mga awtoridad sa 800,000 ang apektado at posibleng tumaas sa mga susunod na araw kahit unti-unti ng humuhupa ang baha.
Bukod sa paglilinis sa mga lugar na nalubog, malaking hamon din para sa mga rescuer ang paghahanap sa mga bangkay na inanod sa dagat at mga ilog.
Naghahanda naman ang gobyerno sa posibleng pagkalat ng mga sakit tulad ng dengue at leptospirosis lalo’t nagsisiksikan na ang libu-libong biktima sa mga evacuation center.
—-