Umakyat na sa 10 ang patay sa MERS Corona Virus sa South Korea.
Ayon sa Health Ministry ng SoKor, isang 65-anyos na lalake ang pinakahuling kaso ng MERS na may lung cancer at na confine sa ospital.
Nagdulot na ng panic sa South Korea ang outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome.
Mahigit na sa 120 katao ang infected ng virus mula ng maitala ang unang kaso nito.
Umabot na sa 3,800 ang patuloy na naka-isolate ngayon na posibleng nagkaroon ng contact sa mga infected ng nasabing virus.
Nasa 2,600 eskwelahan naman at kindergartens na sa South Korea ang sarado pa rin sa kasalukuyan dahil sa pangamba sa MERS-CoV.
By Mariboy Ysibido