Pumalo na sa 17 ang bilang ng nasawi mula sa naitalang 40 insidente ng karahasang may kaugnayan sa halalan.
Sa ulat ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC), mula sa kabuuang bilang ng mga naitalang insidente, 22 ang nasugatan habang tatlumpu ang unharmed o nabiktima pero hindi nasaktan.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, pinakamarami sa nabanggit na isidente ay mga kaso ng pamamaril na sinundan ng pagbabanta, pambubugbog, pananampal.
Gayundin ng kaso ng pananaksak, assault, harassment, iligal na pagpapaputok ng baril at paglabag sa Omnibus Election Code.
Samantala, umaabot naman aniya sa mahigit 400 million piraso ng mga illegal campaign material ang naialis na sa ilalim ng oplan baklas.