Sumampa na sa 20 katao ang nasawi sa flashfloods bunsod ng heavy thunderstorms sa West Virginia State sa Amerika.
Ayon kay West Virginia Governor Earl Ray Tomblin, 44 na counties na ang isinailalim sa state of emergency.
Ito’y makaraang magbagsakan at mapinsala ang maraming puno, power lines at bahay.
Tinatayang 200 national guard members naman ang idineploy para sa rescue operations ng libu-libong stranded na residente.
By Drew Nacino