Umakyat na sa 14 ang bilang ng nasawi sa serye ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Central Mindanao.
Ayon kay Capt. Joan Petinglay, Spokesperson ng 6th Infantry Division ng army, karamihan sa mga biktima ay sibilyan mula sa mga lalawigan ng North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Nagsimula anya ang pag-atake ng BIFF sa pamamagitan ng pamamaril at pagpapasabog noong bisperas ng pasko hanggang sa mismong araw ng Pasko.
Naka-heightened alert na ang militar lalo’t posibleng masundan ang pagsalakay makaraang magbanta ang rebeldeng grupo.
By: Drew Nacino