Sumampa na sa limampu’t apat (54) na pulis kabilang ang nasa dalawampung (20) opisyal ang patay sa pag-atake ng mga hinihinalang Islamic militant sa Gizah.
Ayon sa Egyptian interior ministry, tinambangan ng mga bandido ang convoy ng mga pulis na nauwi sa ilang oras na bakbakan.
Wala pang grupo na umaako sa pag-atake pero naniniwala ang mga awtoridad na may kaugnayan ang mga bandido sa Islamic state lalo’t maka-ilang beses ng pinuntirya ng ISIS ang mga coptic christian sa ehipto.
Ito na ang isa sa pinaka-matinding pag-atakeng inilunsad ng mga Islamic militant sa gobyerno simula nang mapatalsik si President Mohammed Morsi na miyembro ng Muslim brotherhood na itinuturing na supporter ng mga teroristang grupo.