Sumampa na sa walo ang bilang ng nasawi sa gumuhong tulay sa Dasmariñas City, Cavite.
Ayon kay Dasmariñas Police Chief, Lt. Col. Juan Uruga, narekober na nila ang katawan ng huling biktima kahapon.
Mag-a-alas-5:00 ng hapon nang marekober ang menor-de-edad na lalaki mula sa naturang lugar.
Batay sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, 13 kabataan ang nagtungo sa tulay na karamihan ay teenager.
Kahit sinaway ito ng barangay at nilagyan ng bakod ang tulay, nagmatigas pa rin ang mga kabataan at nag-Tiktok sa tulay.
Sa ngayon, nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng mga biktima.