Pumalo na sa 31 ang bilang ng mga nasawi habang aabot naman sa 62 ang nasugatan sa paggunita ng Mahal na Araw.
Batay ito sa pinakahuling tala ng Philippine National Police o PNP na di hamak na mas mataas sa naging tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, bagama’t marami ang naitalang nasawi at nasugatan sa paggunita ng mga araw ng pangilin, masasabi pa rin niyang pangkalahatang naging mapayapa ang nakalipas na linggo.
Karaniwan aniyang naging sanhi ng mga casualty ayon kay Mayor ay pagkalunod, aksidente sa daan, pamamaril o di kaya’y bakbakan.
Ang naturang bilang ay taliwas sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 19 ang nasawi.
By Jaymark Dagala