Umakyat na sa 35 ang nasawi sa pananalasa ni bagyong Ursula na nasa labas na ngayon ng bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 20 sa mga nasawi ay mula sa Region 6, 8 sa Region 8, 6 sa Mimaropa, at 1 naman sa Region 7.
22 naman ang sugatan sa paghagupit ng bagyong Ursula , habang 14 ang idineklarang nawawala na mula sa mga lugar ng Regions 6,7,8 at Mimaropa.
Sa ulat ng NDRRMC, aabot sa 346,217 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo na mula sa 1,595 na mga barangay ng Regions 5, 6, 7, 8, at Caraga.
Tinatayang nasa halos 22,000 na pamilya naman ang nananatili sa mga temporary shelter, samantalang 7,905 families naman ang patuloy na inaayudahan kahit wala ang mga ito sa mga evacuation centers.