Sumampa na sa 109 ang nasawi sa pagsabog ng Mount Fuego sa Guatemala habang tinatayang 200 iba pa ang nawawala.
Karamihan sa mga biktima ay nasunog matapos ragasain ng lava ang kanilang mga bahay.
Ayon sa National Disaster Management Agency ng Guatemala, naputol ang kanilang komunikasyon sa mga volcanologist kaya’t hindi agad nakapagbigay ng abiso sa mga residente sa paligid ng bulkan.
Ito na sa ngayon ang pinaka-bayolenteng pagsabog ng bulkan sa nakalipas na apat na dekada.