Dumipensa ang pangulo ng Mexico na si Andres Manuel Lopez Obrador hinggil sa pagsabog ng isang fuel pipeline sa Hidalgo State na nag-iwan ng mahigit 70 kataong nasawi.
Ayon sa pangulo, nakatulong sa ekonomiya ng kanilang bansa ang pagpapasara nito ng oil pipelines.
Ito’y dahil sa natigil na ang pagnanakaw ng mga residente sa ibinebentang langis sa estado na nagdulot ng bilyong dolyar na pagkalugi ng gobyerno ng Mexico.
Una nang dinepensahan ng Mexican president ang puwersa ng militar na bigong paalalahanan ang mga nasawing residente hinggil sa banta ng pagsunog.
Samantala, tinatayang nasa halos 80 naman ang bilang ng mga sugatan sa itinuturing na pinaka-malagim na oil infrastracture incident sa kasaysayan ng Central American State.