Umakyat na sa mahigit 100 katao ang nasawi sa pagsabog sa isang fuel station sa Accra City sa Ghana.
Ayon sa National Fire Service, bagama’t naalerto ito sa insidente ay hindi agad nito naapula ang malaking sunog.
Karamihan sa mga nasawi ay mga residente na lumikas lamang sa bisinidad ng state oil company dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagbaha.
Nagpapatuloy pa rin ang retrieval operations sa naturang lugar.
By Jelbert Perdez