Umakyat na sa walo ang bilang ng nasawi sa pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao.
Ito ay batay sa tala ng Office of the Civil Defense kung saan tatlo rito ay mula sa gumuhong grocery store sa Padada, Davao Del Sur.
Sinimulan na rin ang paggiba sa naturang grocery store dahil sa wala na umanong nakitang senyales na may na-trap pa sa loob nito.
Ayon kay Fire S/Supt. Fred Trajeras, regional director ng BFP Region 11, wala na ring pamilya na naghahanap ng kanilang kaanak sa gumuhong grocery store kaya’t napag desisyunan na nilang gibain ito.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong sa lahat ng mga biktima.