Umakyat na sa mahigit 200 ang bilang ng nasawi habang tinaya sa 800 ang sugatan sa magnitude 7.5 na lindol na tumama sa southern Asia.
Natunton ng U.S. Geological Survey ang sentro ng pagyanig, 45 kilometro, timog-kanluran ng Jarm, Afghanistan o malapit sa border ng Pakistan na tinatawag na Hindu Kush Region.
Pinakamatinding naapektuhan ang lalawigan ng Khyber Pakhtunkhwa, Pakistan at northern Afghanistan.
Maraming bahay sa mga liblib na lugar sa Afghanistan ang napinsala o gumuho habang gumuho ang dahil sa lakas ng pagyanig na naramdaman hanggang India at Tajikistan.
Patuloy ang rescue operations sa mga lugar na apektado ng lindol na naging sanhi rin ng pagguho ng glacier mula sa bundok.
By Drew Nacino