Umakyat na sa 3 ang iniwang patay sa bagyong kabayan habang 32 iba pa ang nawawala.
Kinilala ng National Disater Risk Reduction and Management Council ang 2 sa mga nasawi na sina Raquel Camilo, 57 anyos ng Nueva Ecija at Samuel Corcoro, 29 anyos ng lalawigan ng Aurora.
Pawang nagmula sa Regions 1 at 3 ang mga nawawala na karamiha’y mangingisda.
Tinaya naman sa 4,500 pamilya o 22,300 katao na ang apektado sa mga lalawigan ng La union, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.
Samantala, nasa 2.2 milyong piso na ang pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura sa pangasinan at Aurora pa lamang.
By: Drew Nacino