Sumampa na sa 30 ang patay sa pananalasa ng bagyong Lando.
Pinakahuling nadagdag sa listahan ang 4 na namatay sa Central Luzon, at mga nasawi sa landslide sa Cordillera at Baguio.
Pero, sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 18 pa lamang ang nasawi habang 16 ang nasugatan sa pananalasa ng bagyo.
Umaabot naman sa mahigit 60,000 pamilya ang apektado ng kalamidad.
Samantala, iniulat naman ni Agriculture Operations Undersecretary Emerson Palad na pumalo na sa halos P6 na bilyong piso ang pinsala ng bagyong Lando sa sektor ng agrikultura.
Sa talaga ng Department of Agriculture, aabot sa mahigit 359,000 metriko toneladang palay ang nasira sa Central Luzon na nagkakahalaga ng mahigit 5 bilyong piso.
Nakapagtala naman ng mahigit 21 metriko toneladang kopra o high value crops na nagkakahalaga ng P529.9 billion pesos.
Binigyang-diin ni Palad na hindi pa kasama rito ang sektor ng pangisdaan at imprastraktura dahil patuloy pa ang ginagawang validation sa naging epekto ng bagyo.
By Meann Tanbio