Sumampa na sa apatnapu’t walo (48) ang nasawi sa panibagong pag-atake ng teroristang grupo na Boko Haram sa isang military base sa Borno State, Nigeria.
Ayon sa mga awtoridad, karamihan sa mga namatay ay sundalo na naka-deploy sa naturang lugar.
Aminado naman ang militar na sadyang malaki ang bilang ng teroristang kanilang naka-engkwentro at wala ring dumating na reinforcement kaya’t umatras ang mga sundalo.
Mahigit dalawampung libo (20,000) katao na ang napatay sa pag-atake ang Boko Haram, simula noong 2010.
—-