Patay ang 44 na katao sa isang pag-atake sa restaurant at mosque sa Jos, Central Nigeria na pinaghihinalaang kagagawan ng Islamist militants.
Ayon kay Alhassan Muhammad ng National Emergency Management Agency, 23 katao ang patay sa suicide bombing sa Jos Restaurant habang 21 naman ang nasawi sa shooting at grenade attack sa labas ng isang mosque.
Aabot din sa 47 katao ang sugatan sa nasabing pag-atake.
Kinumpirma naman ni Plateau State Police Spokesman Emmanuel Abuh ang report kaugnay sa magkahiwalay na pag-atake sa Jos.
By Mariboy Ysibido