(Update)
Umakyat na sa 10 ang nasawi kabilang ang tatlong menor-de-edad sa pagbagsak ng isang light aircraft sa residential area sa Barangay Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan.
Kinilala ang mga biktimang sina Captain Ruel Meloria, piloto ng six-seater Piper PA-23 Apache aircraft; Chief Mechanic na si Romeo Huenda; mga pasaherong sina Alicia Necesario; Maria Vera Pagaduan at Nelson Melgar.
Patay din sa trahedya sina Rissa Dela Rosa, mga anak nitong sina John Noel, 17 taong gulang; Timothy Noel, 10 taong gulang; Krissa, 7 taong at kanilang lolang si Luisa Santos, 75 taong gulang.
Ayon kay Bulacan Risk Reduction and Management Office Chief Liz Mungcal, dakong alas-onse bente uno kahapon ng umaga nang mag-take off ang eroplanong ino-operate ng Lite Air Express patungong Laoag City, Ilocos Norte.
Gayunman, wala pa aniyang ilang sandali ay bumagsak ang naturang aircraft sa bahay nina Dela Rosa na noo’y abala sa kanilang tanghalian.
Pansamantalang grounded ang mga eroplano ng Lite Air Express habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines.
CAAP confirmed that a Piper PA-23 Apache six-seater twin-engined light aircraft with registry number RP-C299 operated by Lite Air Express crash landed upon takeoff from Plaridel airport at 11:21 am today. | via @raoulesperas
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 17, 2018