Umakyat na sa 10 ang bilang ng nasawi sunog sa maximum security compound ng Abuyog Penal Colony sa Leyte.
Ayon kay Inspector Catalino Landia, hepe ng Abuyog Municipal Police, natagpuan sa magkakahiwalay na lugar ang labi ng mga biktima.
Dahil dito, kumpleto na ang lahat ng nawawalang 10 preso nang kumalat ang apoy noong Huwebes.
Gayunman, hindi pa nakikilala ang lahat ng biktima dahil sunog ang labi ng mga ito.
Base sa inisyal na imbestigasyon, faulty electrical wire ang sanhi ng pagkalat ng apoy habang inaalam na ang halaga ng pinsala sa sunog.
Marami sa mga bilanggong namatay sa Leyte Penal Colony ay nasawi dahil pagpa-panic.
Kasunod ito ng nangyaring sunog sa Penal Colony sa Abuyog, Leyte kung saan 10 ang naitalang nasawi.
Ayon kay Police Supt. Herald Aro, Officer in Charge sa Leyte Regional Prison, marami sa mga biktima ang bumalik pa para isalba ang kanilang mga naiwang gamit.
Samantala, handa naman ang Bureau of Jail Management na magbigay ng tulong sa mga pamilyang naiwan ng 10 mga bilanggo na nasawi sa nangyaring sunog.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3) | Rianne Briones