Umakyat na sa tatlundaan at lima (305) ang namatay kabilang ang dalawampu’t pitong (27) bata ang patay sa pamamaril at pambobomba sa isang mosque sa North Sinai, sa Egypt.
Tinaya naman ng mga awtoridad na nasa sa isandaan tatlumpu (130) ang nasugatan sa pinaka-malagim na terrorist attack sa kasaysayan ng Ehipto.
Inako na ng grupong Islamic State ang nabanggit na pag-atake laban sa mga Sunni Muslim.
Nagdeklara naman si Egyptian president Abdel Fattah Al-Sisi ng tatlong araw na pagluluksa at tiniyak na ipararamdam nila sa ISIS ang matinding ganti sa pamamagitan ng dahas.
Ilang oras naman matapos ang pamamaril at pambobomba, hinabol at binomba ng Egyptian Air Force ang ilang sasakyang ginamit ng ISIS.
Samantala, wala namang Pilipinong nadamay sa nangyaring pag-atake sa sa mosque.
Iyan ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA kasunod ng pakikipag-ugnayan nila sa embahada ng Pilipinas sa Cairo.
Kinondena at tinawag pang karuwagan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang naturang pag-atake sabay paalala sa mga Pinoy nurse na nakabase roon na iwasan muna ang lugar dahil sa mataas na tensyon
—-