Umakyat na sa 132 ang nasawi sa pag-atake ng ISIS sa Paris, France.
Tinaya naman sa 350 ang nasugatan kabilang halos 100 nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa French authorities, pinaghahanap na ang Belgium-born French National na kinilalang si Salah Abde-Salam na kabilang umano sa 8 armadong suspek na namaril ng mga sibilyan sa Bataclan Theatre at nagpasabog ng bomba sa Stad de France.
Nag-issue na rin ang Belgium ng international warrant para kay Salah habang inilabas na ng French police ang kanyang larawan at binalaan ang publiko sa pakikisalamuha sa suspek.
Nagdeklara naman si French President Francois Hollande ng tatlong araw na pagluluksa para sa mga biktima ng isa sa pinakamadugo at marahas na terror attack sa Europa.
By Drew Nacino