Umakyat na sa 40 katao ang patay habang 28 ang sugatan matapos ang pagsabog ng coal mine sa Turkey.
Naganap ang pagsabog sa minahan ng Amasra sa lalawigan ng Bartin sa Baybayin ng Black Sea.
Ayon kay Interior Minister Suleyman Soylu, nauna nang naiulat na nasa 110 katao ang nasa lugar bago maganap ang pagsabog habang 58 minero ang nailigtas
Batay sa preliminary assessment sinasabing firedamp ang naging sanhi ng pagsabog.
Patuloy na pinaghahanap ng mga rescue team ang isang Turkish sa lugar. —sa panulat ni Jenn Patrolla