Pitong pulis ang nasawi sa 5 buwang bakbakan sa Marawi City habang umaabot naman sa 60 ang nasugatan.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa matapos ang deklarasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP na tapos na ang digmaan sa Marawi City.
Ayon kay Dela Rosa, babalik na sa Metro Manila ang mga PNP Special Action Force commandos na kasamang nakipagbakbakan laban sa Maute ISIS group.
Sinabi pa ni Dela Rosa na prayoridad nila ngayon ang pagsasaayos sa nasirang Marawi City Police Station.
Tiniyak din ni Dela Rosa na mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa Marawi City para sa rehabilitasyon ng lungsod.
(Ulat ni Jonathan Andal)