Nagsagawa na ng manhunt operation ang mga otoridad para mahuli ang salarin na nagpasabog ng bomba at nagpaputok ng baril sa Subway Care sa New York.
Ayon sa mga otoridad, umakyat na sa 23 ang nasugatan sa nangyari.
Sa bilang na ito, 13 ang nakalanghap ng usok o nasugatan sa pagkataranta ng mga tao.
Paliwanag naman ni New York Police Department (NYPD) Commissioner Keechant Sewell, isang U-Haul Van ang nakita sa lugar na posibleng konektado sa insidente. —sa panulat ni Abby Malanday