Tumaas ang bilang ng tawag na natatanggap ng tele-consultation program ng Office of the Vice President sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OVP Chief-of-Staff Undersecretary Philip Dy, mahigit 400 tawag kada araw ang natatanggap ng Bayanihan E-konsulta nitong nakaraang linggo kumpara sa 100 tawag na natatanggap nila noong Hunyo at Hulyo.
Sinabi pa ni Dy na maging si Vice President Leni Robredo ay sumasalang na sa graveyard shift upang tulungan ang kanyang mga staff at volunteers sa pagpapatakbo ng nasabing programa.
Ang bayanihan E-konsulta ay inilunsad noong Abril upang matugunan ang atensyong medikal ng mga pasyenteng may COVID-19 at iba pang sakit sa pamamagitan ng tele-consultation.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico