Umakyat na sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Valley 6, Barangay San Isidro, Parañaque City kahapon.
Matatandaang dalawa ang naitalang sugatan makaraang umabot sa ika-4 na alarma ang sunog kung saan, naabo ang nasa 80 bahay bago idineklarang fire-out ng mga otoridad.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Parañaque, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay sa nabanggit na lugar.
Sa ngayon, pansamantala munang nananatili sa isang covered court sa lungsod ang mga apektadong residente habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan at halaga ng pinsala sa ari-arian matapos maganap ang sunog.