Nakapagtala ang Department of Health ng 2,275 new COVID-19 infections, dahilan upang umabot na sa 3,918,329 ang kaso sa buong bansa.
Ayon sa DOH, bumaba ang bilang na ito mula sa 2,619 infections nitong nakalipas na Biyernes at ikatlong sunod na araw na mas mababa sa 3K ang naitalang kaso ng ahensya.
Sa datos ng Health Department, nagkaroon din ng pagbaba ang active infections ng bansa, na nasa 26,271 na lamang, mula sa dating 26,363 cases.
Nakuha naman ng National Capital Region ang highest number of cases sa nakalipas na dalawang linggo, matapos makapagtala ng 10,073 infections, na sinundan ng CALABARZON- 3,666, Central Luzon -2,185, Davao Region – 1,189, at Western Visayas – 957.
Umakyat sa 3,829,544, ang mga nakarekober habang umabot sa 62,514 ang fatality cases.