Lumobo na sa mahigit 405,000 ang mga napauwing OFW simula nang ideklara ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020.
Ipinabatid ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdinig ng House Overseas Workers Affairs Committee.
Sa nasabing bilang, 105,606 ang Sea Based OFW samantalang land based naman ang nalalabing bilang ng pinoy workers.
Ayon sa DFA, sa susunod na buwan ay asahan na ang halos 5,000 pinoy workers pa ang magbabalik bansa.
Samantala, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pumalo na sa 23,121 ang mga OFW na dinapuan ng COVID-19 kung saan mahigit 12,000 ang naka-recover na at nasa mahigit 1,000 naman ang nasawi.