Dumoble ang bilang ng mga OFW sa Dubai na nais nang umuwi ng Pilipinas.
Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, sa loob lamang ng tatlong linggo ay pumalo na sa mahigit 6,000 ang mga OFW na nagre-request na ng repatriation sa gobyerno.
Ani Cortes, araw-araw ay nakakatanggap sila ng request kaya naman mas mabilis ang pagdami nito kaysa bilis ng kanilang napo-proseso.
Kaugnay nito, nanawagan si Cortes sa mga OFW na huwag munang umuwi kung hindi naman kailangan na kailangan lalo na’t humaharap ngayon ang bansa sa banta ng Delta variant.