Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga Pilipino na nade-deploy sa ibayong dagat upang magtrabaho.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, tinatayang 30,000 kada buwan ang deployment ng land-based overseas filipino worker habang 40,000 ang sea-based.
Kalahati o nasa 50% na itong karaniwang deployment bago sumiklab ang COVID-19 pandemic.
Magugunitang 70% ang ibinagsak ng mga oportunidad sa ibang bansa para sa mga OFW.
Kabilang sa in-demand na trabaho para sa mga Pinoy ang pagiging health care worker sa UK, Germany, Saudi, Qatar at Kuwait.
Samantala, tuloy pa rin ang deployment ng mga Pinoy seafarer sa mga cargo vessel habang nabuhay na ang demand sa cruise ship.—sa panulat ni Drew Nacino