Bumaba ang bilang ng out of school youth sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ayon sa ahensya, mula sa 2.9 na milyong batang hindi nag-aaral noong 2008 ay bumaba ngayon sa 1.2 milyon na lamang.
Binigyang diin ng PIDS na malaki ang naitulong ng mga programa ng pamahalaan gaya ng K to 12; Pantawid Pamilyang Pilipino at Kindergarten Education Act para maibaba ang bilang ng out of school youth.
By Ralph Obina