Umabot na sa 850 pamilya ang apektado ng baha sa Davao City.
Pawang mga residente ng Barangay Cabantian at Matina crossing 74-A ang mga naapektuhan ng malawakang baha bunsod ng malakas na ulan, noong Lunes.
Kabilang sa mga nalubog ang La Verna Hills Subdivision sa Buhangin, Barangay Cabantian at Arroyo Compound, Purok Santiago, Guadalupe Village at San Isidro Village sa Matina crossing.
Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, karamihan sa mga nalubog ay flood-prone area lalo’t ilan sa mga ito ay catch basin.
Bagaman nakauwi na ang karamihan sa mga residente, hiniling naman ng mga ito mga gamot kontra leptospirosis.
Samantala, namahagi na ng food packs at lugaw ang Barangay sa mga nasalanta ng flashfloods.—sa panulat ni Drew Nacino