Tinatayang 200 pamilya sa lungsod ng Maynila ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Ayon kay Manila Department of Social Welfare Director Re Fugoso, pawang mga residente ng Baseco, Barangay 20 at 105 sa tondo ang mga apektadong pamilya.
Pawang naninirahan sa tabing-dagat ang mga apektadong pamilya.
Magugunitang binaha ang mga residente matapos ang malakas na ulang dala ng bagyo noong Martes ng gabi.