Umabot na sa mahigit 35K pasahero ang dumagsa sa iba’t ibang pantalan ngayong Undas.
Tinaya ng Philippine Coast Guard sa 18,598 ang outbound passengers o mga paalis habang nasa 16,419 ang inbound passengers o dumating, hanggang kahapon.
Nagdeploy na rin ang PCG ng mahigit 2,200 frontline personnel habang nasa 300 vessels at halos 400 motorbancas ang ininspeksyon.
Inabisuhan naman ng coast guard ang mga biyahero na tiyakin ang pagsunod sa mga ordinansa ng kani-kanilang local government unit na pupuntahan upang maiwasan ang aberya.
Kabilang sa mga requirement ang quick response code o S-pass, COVID-19 vaccination cards, antigen test at ID.— sa panulat ni Drew Nacino