Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa bago sumapit ang Undas.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa higit 60,000 pasahero na ang kanilang naitatala.
Pinakamaraming pasahero sa Central Visayas na may kabuuang bilang na 16,031.
Nasa 14,352 naman ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa Western Visayas.
Dumadami na rin ang mga nasa pantalan sa Eastern Mindanao na may bilang na 8,895.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng PCG sa mga pantalan sa bansa sa ilalim ng “Oplan biyaheng ayos: Undas 2019”.